Inilabas na ng task force mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa pagguho ng isang supermarket sa Pampanga noong Abril.
Ayon sa report, nakakita ng ilang paglabag na naging sanhi ng pagguho ng Chuzon Supermarket.
Una, seismic analysis ang building, isang klase ng analysis na nagpapakita sa disenyo ng istruktura kapag nagkaroon ng lindol.
Pangalawa, 6 sa 8 klase ng simentong ginamit sa paggawa ang hindi pumasa sa standard ng ahensya.
Wala ring kaukulang dokumento at permit ang Chuzon Supermarket.
Samantala, pumasa naman sa minimum requirement ang mga bakal na ginamit dito.
Inirerekomenda ngayon ng naturang task force ang pagsasampa ng kaso sa management ng supermarket.
Matatandaang gumuho ang Chuzon supermarket matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Porac, Pampanga.