Posibleng lumabas na ngayong buwan ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng National of Bureau of Investigation o NBI kaugnay sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Ayon kay NBI National Capital Region Deputy Director Cesar Bacani, minamadali na ng mga tauhan ng NBI ang pagkalap ng ebidensya para mabigyang linaw ang kaso.
Pinadalhan na rin aniya nila ng subpoena ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para makapagbigay ng impormasyon hinggil sa usapin.
Kabilang dito ang Department of Health o DOH, Food and Drugs Administration, World Health Organization at ang manufacturer ng dengvaxia na Sanofi Pasteur.
—-