Posibleng lumabas na sa mga susunod na araw ang resulta ng isinagawang forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagkamatay ng babaeng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa naturang imbestigasyon, tinitignan aniya ang posibilidad kung may ilan pang traces o bahid ng ‘toxic alcohol’ na posibleng magbigay linaw sa tunay na dahilan sa pagkamatay ni Dacera.
Yung result ng forensic examination ng NBI, kung may chemicals, baka within the week so, tinitignan natin doon kung meron pang makikitang traces ng toxic alcohol or any illegal substance kasi may allegation na baka may spike yung drink daw ni Christine so, doon sa mga sample tissue, specimens na ‘yon ay baka may makita ang NBI, possible kasi na natural cause ang kinamatay ni Christine or possible din na crime might be committed intentionally,” ani Guevarra.
Mababatid na bago nito, lumabas sa paunang report ng Philippine National Police (PNP) na aortic aneurysm ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Pero para kay Gueverra, ‘not thorough enough’ ang naturang imbestigasyon, dahil hindi nabanggit dito ang ilang posibleng dahilan ng pagkamatay ni Dacera, gaya ng pagkalango sa alak at drug traces.
Sa huli, umaasa si Secretary Guevarra na magbibigay linaw ang lalabas na resulta ng imbestigasyon ng NBI sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dacera.
Iyon ang kanilang pinakita sa unang reports doon pero walang nabanggit ukol sa level of toxicity, traces ‘yon ang wala sa unang report we’re hoping na dito sa pahabol na forensic examination ng NBI ay may makitang ganung klaseng indication,” ani Guevarra.