Isinumite na ng NAPOLCOM o National Police Commission sa Office of the President ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa dalawa sa tatlong police general na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drug operatioons.
Ito ang kinumpirma ni Rogelio Casurao, Vice Chairman ng NAPOLCOM.
Gayunman, tumanggi si Casurao na magbigay ng karagdagang impormasyon sa naturang usapin at hindi rin nito binanggit kung sino ang dalawang police general.
Una rito, inihayag ng NAPOLCOM na nakitaan nila ng probable cause para sampahan ng kasong administratibo sina dating NCRPO Chief Director Joel Pagdilao at dating Quezon City Police District Head Chief Supt. Edgardo Tinio dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.
Kasama rin sa kanilang inimbestigahan si dating Police Regional Office 6 Director Chief Supt. Bernardo Diaz.
By Meann Tanbio | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)