Isusumite na ng House Justice Committee sa mga miyembro nito para sa deliberasyon ang panel report hinggil sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito, ayon kay Committee Chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ay “in-aid of legislation” at hindi prosecution.
Gayunman, iwas-pusoy ang kumite ni Umali sa pagsasampa ng kaso laban kay Senador Leila de Lima, ang pangunahing personalidad na sangkot umano sa kalakalan ng droga sa Bilibid.
Unti-unti na anyang binibigo ng 4 na pundasyon ng criminal justice system o law enforcement, prosecution, mga korte at penal institution ang mga mamamayan kaya’t dapat na magpatupad ng panibagong batas na lalong katatakutan ng mga preso.
Nilinaw ng kongresista na nakatutok ang kanilang panel report sa muling pagbuhay sa parusang kamatayan at anuman ang kalabasan ng findings ay isusumite ito at pag-aaralan ng Office of the Ombudsman.
By Drew Nacino