Nakatakda nang magsumite ang Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng report sa pagsasagawa ng 52 kaso ng pagpatay sa mga operasyong may kaugnayan sa war on drugs.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tinapos na nila ang pagrepaso sa kaso na isinumite ng Philippine National Police-Internal Affairs Service.
Ngayong linggo aniya nila isusumite kay Pangulong Duterte ang kanilang findings kaakibat ng kanilang mga rekomendasyon.
Simula noong 2016 ay aabot na sa 6,000 anti-illegal drugs operations na may naganap na pagpatay ang inimbestigahan ng PNP-IAS.—sa panulat ni Drew Nacino