Posibleng sa ikalawang linggo ng buwang ito maipalabas ng DOJ panel ang resulta ng imbestigasyon nito sa pagkamatay ni Hazing Victim Horacio Atio Castillo the Third.
Ipinabatid ito ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva matapos isumite kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang case status update sa nasabing usapin.
Magugunitang kinasuhan ng MPD at pamilya Castillo sa DOJ ng murder, paglabag sa anti hazing law, obstruction of justice, robbery at perjury ang mahigit 30 katao na karamihan ay mula sa Aegis Juris Fraternity.