Ilalabas na ng Research Institute for Tropical Medicines (RITM) sa Oktubre 11 ang report hinggil sa imbestigasyon ng supposed false positive result ng COVID-19 test na isinagawa ng Philippine National Red Cross- Subic.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malalaman na kung ano ang resulta ng assessment, evaluation ng RITM sa PRC laboratory sa Subic Bay.
Kaugnay ito sa nangyaring insidente sa ospital ng Subic na kung saan ang ilang mga empleyado ay nagpositibo sa COVID-19, subalit naging negatibo ito nang ulitin matapos ang tatlong araw.
Samantala, ipinaliwanag naman ng PRC na ang nangyaring supposed false positive results ay dahil sa timing at koleksyon ng ikalawang sample na maaring nakaapekto sa negatibong resulta. —sa panulat ni Airiam Sancho