Ilalabas na ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng imbestigasyon sa apat na heneral na nasasangkot sa partisan politics.
Posibleng sa Biyernes di umano ilalabas ni Pnp Director General Ricardo Marquez ang desisyon matapos matanggap ang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Directorate for Investigation and Detective Management.
Matatandaan na nasangkot sa isyung partisan politics ang ilang aktibong heneral ng PNP na nakipagpulong sa isang staff ni Secretary Mar Roxas noong panahon ng kampanya.
Kabilang sa mga inimbestigahang heneral ay sina Police Director Generoso Cerbo, Chief Supt. Reinier Idio, Chief Supt. Ronald Santos at Chief Supt. Bernardo Diaz.
By Len Aguirre