Inalmahan ng Malacañang ang resulta ng research ng ilang kinikilalang unibersidad sa bansa hinggil sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Sa inilabas na datos ng Ateneo de Manila at De La Salle University, lumalabas na pinakaapektado ng war on drugs ng Duterte administration ang mga mahihirap.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya kinukuwestyon na mahihirap ang target ng war on drugs dahil talaga namang nakatutok sa mahihirap na lugar ang war on drugs kung saan talamak ang paggamit ng shabu.
Ang kuwestyonable anya sa pag-aaral ay kung tinignan ba nila kung ang mga napatay na mahihirap ay dahil sa giyera kontra droga.
Ang dapat anyang ginawa ng mga nagsagawa ng pag-aaral ay inisa-isa ang bawat kaso upang makasiguro.
—-