Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang resulta ng October 2021 Labor Force Survey ay simula pa lamang ng patuloy na pagbawi ng labor market sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang makapagtala ng 7.4% unemployment rate o katumbas ng 3.5-M na walang trabaho noong Oktubre, na ikatlong pinaka-mababang bilang ng mga walang trabaho ngayong taon.
Kumpara ito sa 8.7% sa kaparehong panahon noong isang taon.
Kumpiyansa si DOLE Assistant-Secretary Dominique Tutay na ang bilang ng trabaho ay higit na gaganda kasabay ng pagtaas ng vaccination rate at ligtas na muling pagbubukas ng mas maraming negosyo habang binababa ang alert level sa bansa.
Malaki pa anya ang hahabulin upang manumbalik muli ang ekonomiya lalo’t may mga restrictions pa rin kahit nagbukas na ang maraming negosyo.