Nasa estado parin ng mixing and matching study ng COVID-19 vaccine ang Department Of Health (DOH) sa kabila ng inilabas na resulta ng mga pag-aaral sa ibang bansa na nakitaan ng mas mataas na immune resistance kontra virus ang mga nabakunahan ng AstraZeneca vaccine para sa kanilang first dose at mrna vaccine naman para sa second dose.
ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagpulong na sila sa mga eksperto ng bansa hinggil sa mga ebidensyang lumalabas ngayon ukol dito, kungsaan hindi naman aniya kabilang dito ang mga bakunang available dito sa Pilipinas.
Base ani Vergeire sa naging rekomendasyon ng mga dalubahasa ng bansa, na kung saka-sakaling magsasagawa sila ng mixing and matching, mas safe umano na gamitin ang kahalintulad na platform.
Ayon sa health official, maglalabas aniya ng resulta hinggil sa kanilang isinasagawang pag-aaral ang mga eksperto, ngayong third quarter ng taon.
Matatandaan na lumabas sa pag-aaral ng Germany, Canada at Oxford University na ang paggamit ng AstraZeneca vaccine para sa first dose at Pfizer o Moderna naman sa second dose ay may mataas na efficacy rate laban sa mas nakahahawang Delta variant.