Napipinto nang makumpleto ang paglikha ng bakuna para sa mga baboy kontra African Swine Fever.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni Department of Agriculture Sec. William Dar, maganda ang kinalabasan ng initial result ng isinagawang trial and testing ng bakuna.
Nasa phase 2 na ani Dar ang pag-aaral na ito at posibleng mailabas ang resulta nito sa Hunyo. Tiniyak naman ng kalihim na agad niyang ipaguutos na maturukan na ng bakuna ang lahat ng baboy sa bansa kapag naging matagumpay ang kinalabasan nito.
Taong 2019, nang labis na maapektuhan ang Hog industry dahil sa ASF na nagresulta sa pagkalugi ng mga magba-baboy at pagtaas ng presyo ng mga karne nito sa mga merkado.