Nakatakdang isumite ng Department of Justice sa Lunes ang resulta ng kanilang pag-aaral hinggil sa proseso ng pagpapatigil sa Visiting Forces of Agreement (VFA).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kanya nang natapos ang pag-aaral sa proseso para sa termination ng VFA pero kinakailangan pa aniyang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang memo hinggil dito.
Bagama’t tumanggi nang magbigay pa ng detalye, sinabi naman ni Menardo na masasagot sa kanyang naging pag-aaral ang mga tanong kung isa nga bang tratado o executive agreement ang VFA.
Gayundin, kung kakailanganin pa ang tulong ng Senado para sa termination ng VFA at kung sino ang magbibigay ng notice of termination.
Samantala, tumanggi nang sagutin ni Guevarra kung magkakaroon ng epekto sa iba pang kasunduan ng militar sa Amerika, tulad ng mutual defense treaty ang pagbasura sa VFA.
Aniya, kinakailanganin pa ng hiwalay na pag-aaral ng Department of National Defense at Department of Affairs para malaman ang mga ito.