Sa susunod na dalawang linggo pa makikita ang resulta ng pagsailalim ng Metro Manila at iba pang lugar sa Alert level 1 sa mga arawang kaso ng COVID-19.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na sa mga panahong ito malalaman kung gumanda o naging masama ang epekto ng pagbaba ng restriksyon.
Pero payo ni David sa publiko, panatilihin pa rin ang pagsunod sa mga health protocols at magpabakuna upang maging ligtas sa virus.
Nitong Pebrero 26, nasa 4% na lamang ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) at low risk classification na rin sa COVID-19.—sa panulat ni Abby Malanday