Hinihintay pa ng Department of Agriculture o D.A ang resulta ng pagsusuri na ipinadala ng ahensya sa espanya hinggil sa African Swine Fever.
Ito’y matapos mapaulat ang di pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy sa Rizal.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, sa ngayon ay hindi pa sila makapaglalabas ng pahayag hinggil sa naturang insidente hanggat wala pa ang nabanggit na resulta.
Kasabay nito, nilinaw ni Dar na ligtas pa rin ang mga karneng baboy na nasa merkado dahil wala aniyang nakalalabas na karne galing sa mga apektadong lugar.
‘’Hinihintay po natin yung resulta ng confirmatory laboratory test results. Hindi po pwede tayong maghaka-haka lang. Dapat base po doon sa science or the process which we need to understand kung anong klaseng sakit ba ito.’’— Pahayag ni Agriculture Aec. William Dar.