Inaasahang ipalalabas ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong araw ang resulta ng pagsusuri sa lambanog na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng hindi bababa sa 11 katao sa Laguna.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 300 milliliter na bote ng sample ng labanog ang nakuha ng FDA para suriin.
Aniya, partikular na titignan na FDA ang tindi ng concentration ng methanol sa Rey Lambanog.
Dagdag ni Duque, sisilipin din kung nagtataglay ng iba pang kemikal ang nabanggit na lambanog na siyang nagdulot ng pagkalason sa mga nakainom nito. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas