Malapit nang ianunsiyo ng Department of Agriculture o D.A ang resulta ng isinagawang test na tutukoy sa naging dahilan ng pagkamatay ng ilang mga baboy sa Rizal.
Una nang nagpadala ng blood sample ng mga baboy ang ahensiya sa isang foreign laboratories para mabigyan linaw kung African Swine Fever ang naging sakit ng mga ito.
Sa naging pagdinig ng Kamara sa 2020 budget ng D.A, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, natanggap na nila ang paunang bahagi ng confirmatory ab test result at posible na nila itong isapubliko sa Lunes.
Umaasa naman si Dar na matatanggap na sa lalong madaling panahon ang isa pang resulta ng test na tutukoy sa kung anong klase ng virus ang tumama sa mga alagang baboy.