Posible ipalabas na ng PNP-RIAS o Philippine National Police Regional Internal Affairs Service Northern Mindanao sa susunod na linggo ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng naging madugong raid ng Ozamiz City Police sa tahanan ng mga Parojinog noong nakaraang buwan.
Ayon kay RIAS-Northern Mindanao Chief Senior Superintendent Gerry Galvan, report na lamang mula sa SOCO o Scene of the Crime Operatives ang kanilang hinihintay bago magpalabas ng assessment at rekomendasyon sa kanilang imbestigasyon.
Aniya, humingi pa ng konting panahon ang SOCO para sa kanilang isusumiteng ballistic report.
Una nang pinalagan ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog ang pagsilbi ng search warrant ng mga pulis sa pagkawala ng suplay ng kuryente sa kanilang bahay.
By Krista de Dios