Ilalabas na sa mga susunod na araw ang resulta ng partial investigation ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbagsak ng King Air 350 light aircraft sa Laguna nitong nakalipas na araw ng linggo.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, tuluy tuloy pa ang pagkalap nila ng dagdag na impormasyon at ebidensya para makatulong sa imbestigasyon.
Nakipag ugnayan na aniya sila sa PAGASA para malaman ang tunay na kalagayan ng panahon nuong araw na bumagsak ang eroplano na nagdulot ng pagkamatay ng siyam (9) katao.
Sinabi na Apolonio na pinag aaralan na rin nila ang mga nakuhang flight recording nang bumagsak na eroplano.