Wala ng ibang magagawa si Pangulong Rodrigo Duterte kundi bumalik sa daan patungo sa demokrasya dahil wala ng ibang alternatibo para sa demokratikong pamumuno sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Senator Riza Hontiveros makaraang igiit na nawawala na ang appeal at suporta sa authoritarian style na pamumuno ng Pangulo matapos na bumagsak ang satisfaction at trust rating nito.
Iginiit ni Hontiveros na isang babala sa Pangulo ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station dahil indikasyon ito na lumalalim at dumarami na ang hindi kuntento at nadidismaya sa talamak na pagpatay, fake news at mga issue ng kurapsyon.
Hindi anya uubra ang pamumuno na nakabase sa takot at kasinungalingan kaya’t dapat anyang naaayon sa rule of law at hindi dapat isinasasantbi ang karapatang pantao.
Naniniwal naman si Senate Majority Floorleader Tito Sotto na ang pagbulusok ng satisfaction at trust rating ng punong ehekutibo ay bunga ng walang humpay na pag-atake ng anti-Duterte forces.
Wala naman anyang dapat ipangamba ang Pangulo kung napunta lang sa mga “undecided” ang malaking ibinaba o nawala sa rating ng Pangulo.