Inilabas na ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang resulta ng second autopsy report ng labi ni Jun Villamor, na umano’y middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Sinabi ni Fortun na may “history of asphyxia by plastic bag suffocation” ang labi nito.
Dagdag pa niya na ipinapakita sa findings ng autopsy na walang “(no) gross morphologic cause of death” at “consistent” sa nasabing asphyxia.
Mayroon din aniyang impormasyon na si Villamor ay nagpahayag ng takot para sa kanyang buhay ilang sandali bago mamatay.
Sinabi pa ni Fortun na base sa mga impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa pagkamatay ni Villamor, ito ay itinuturing na homicide.
Nabatid na ang second autopsy ay ini-request ni justice secretary Jesus Crispin Remulla kay Fortun matapos hilingin ng anak ni Lapid at ng kapatid na si Roy Mabasa.