Ilalabas sa susunod na linggo ang resulta nang sinimulang pool testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) o paggamit ng COVID-19 testing kit para sa sample mula sa ilang katao.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa Phase 2 na ang pilot run ng pool testing na hindi pupuwedeng basta-basta gamitin dahil sa posibilidad ng inaccurate results.
Sinabi ni vergeire na ini-evaluate ng Research Institute for Tropical Medicine at Philippine Society of Pathology ang resulta ng pool testing.