Minaliit ni Senate Majority Leader at Vice Presidential candidate Alan Peter Cayetano ang pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS.
Ito’y kung saan, nanguna sa nasabing vice presidential survey si Senador Francis Escudero na sinegundahan naman ni Senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Cayetano, maaari pang magbago ang resulta ng mga survey na aniya’y sumasalamin lamang sa sentemyento ng tao.
Inihalimbawa pa ng senador ang pangunguna noon ni Vice President Jejomar Binay na kalauna’y sumadsad din matapos mabisto ang mga umano’y kinasasangkutang katiwalian.
Hindi aniya malabong ganito rin ang kahinatnan nila Senadora Grace Poe at katambal na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa mga usaping ibinabato sa kanila.
By: Jaymark Dagala