Inalmahan ng Philippine National Police o PNP ang naging resulta ng pinaka huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS hinggil sa umano’y extra judicial killings.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, mali ang naging paraan ng pagtatanong sa naturang survey.
Sinabi ni Albayalde na nakasaad sa taong na kung gaano nangangamba ang mga respondent para sa kakilala nila na mabiktima ng EJK.
Giit ni Albayalde, kahit sinomang tanungin na mamatay at mabiktima ng krimen ay matatakot.
Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal na sana ay huwag maimpluwensyahan o magamit ang mga survey firms sa anumang political agenda.