Inamin ng PNP-Crime Lab na matatagalan pa bago lumabas ang resulta ng pagsusuri sa nakuhang specimen mula sa nasawing mag-asawa sa Las Piñas City bunsod ng pagkalason sa pagkain.
Ayon kay Sr. Supt. Emmanuel Aranas, acting Director ng Crime Lab na nakabase sa Kampo Crame, marami silang nakuhang specimen mula sa bituka nila Jose Maria at Juliet Escano at kanila itong iisa-isahin para isalang sa chemical reaction tests.
Bukod pa ang pagsusuri sa vomit sample na nakuha sa kotse ng mag-asawa gayundin ang mga natitirang pagkain at inumin na nakuha roon.
Dahil dito, sinabi ni Aranas na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong linggo ang isasagawang pag-aaral upang matiyak kung ano talaga ang naging sanhi ng pagkasawi ng mag-asawa.
By Jaymark Dagala