Makaapekto sa isyu ng West Philippine Sea ang magiging pinal na resulta ng nagpapatuloy na eleksyon sa Estados Unidos.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon Jr., oras na muling manalo si US President Donald Trump sa ika-2 termino, malinaw na magpapatuloy lang ang umiiral na pagsasagawa ng ‘freedom of navigation’ o ‘yung malayang paglalayag sa West Philippine Sea.
The outcome of the elections certainly will have effects in the South China Sea if we have reelected President there will be a continuation of the current activities of United States and so far going for freedom of navigation and over flights are concern.” pahayag ni Esperon
Pero, kung manalo naman si Joe Biden, tiyak aniya na mag-iiba ang ihip ng hangin.
Dahil sa tingin niya, posibleng magkaroon ng muling pag-rebyu at pagbabago sa mga polisiya sa pagitan ng 2 bansa.
Sa huli, iginiit ni Esperon, na ito lamang ay ilan sa mga posibilidad oras na lumabas na ang pinal na resulta ng nagaganap na eleksyon sa Estados Unidos.
Ang mahalaga ani Esperon, sinuman ang manalo sa eleksyon, makatitiyak ito na makikipag-ugnayan ang Pangulo, gaya ng ginagawa nito sa iba pang mga ‘head of state’.
Whoever is the head of state of the United States, we will deal with him, our President will deal with him, as he does now,and as he does with other head of state.” dagdag ni National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon Jr.