Inaasahang matatapos sa susunod na taon ang resulta sa isinasagawang pag-aaral sa pagbuo ng diagnostic kits para matukoy ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara, suportado ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang dalawang pag-aaral na isinasagawa sa University of the Philippines.
Ayon kay Guevarra, patuloy parin kasi ang pagtaas ng kaso nito sa buong bansa kung saan, isasapubliko ang paglulunsad ng bagong diagnostic test kits para sa mga communicable diseases kagaya ng leptospirosis, tuberculosis, at hiv sa pagtatapos ng 2022 hanggang sa taong 2023. —sa panulat ni Angelica Doctolero