Inaasahang ilalabas na ano mang araw ngayong linggo ang resulta ng joint investigation ng PNP o Philippine National Police at AFP o Armed Forces of the Philippines sa nangyaring misencounter sa Samar.
Ayon kay Pro – 8 Spokesman Police Supt. Gerardo Avengoza, bukas ay nakatakdang magkaroon ng deliberasyon ang board of inquiry ng PNP at AFP kaugnay sa ginagawang imbestigasyon.
Nasa proseso na umano ang board sa pagtukoy kung kaninong panig nagmula ang posibleng paglabag sa SOP o Standard Operating Procedure.
Una nang inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong parehong pagkakamali ang magkabilang panig kaya nagkaroon ng misencounter na ikinasawi ng anim na pulis.