Irerekomenda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Dangerous Drugs Board Chairman, retired General Dionisio Santiago, para pamunuan ang Bureau of Corrections o BuCor.
Kasunod na rin ito ng pagbibitiw sa pwesto ni BuCor Chief Benjamin Delos Santos sa gitna ng muling paglutang ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Matatandaang si Santiago na dating Chief of Staff ng AFP o Armed Forces of the Philippines, ay nagsilbing pinuno ng BuCor noong 2003.
- Meann Tanbio