Itinalaga ng Malacañang si Retired Police Director Reynaldo Berroya bilang bagong Administrator ng LRTA o Light Rail Transit Authority.
Naunang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Berroya bilang miyembro ng LRTA Board of Directors.
Bago napunta si Berroya sa LRTA, naging General Manager ito ng MRT 3, naging hepe rin ng Land Transportation Office at Assistant Secretary for Special Concerns at Undersecretary for Communications ng Department of Transportation .
Sa pag-upo ni Berroya sa bagong puwesto, nangako ang opisyal na magpapatupad ng mga reporma at pagagandahin ang LRTA para mas umayos ang sersbisyo sa mga pasahero.
Nangangasiwa sa LRT 2 system na may rutang Santolan, Pasig hanggang Recto, Manila ang LRTA.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping