Pinagpapaliwang ng DTI o Department of Trade and industry ang ilang retailers matapos matuklasang mataas sa SRP o Suggested Retail Price ang presyo ng kanilang mga ibinebentang produkto.
Sa ginawang pag-iikot ng DTI sa mga pamilihan sa Maynila, kanilang natuklasan na mataas ng sampung piso ang presyo ng kada kilo ng mga ibinebentang mga bawang at sibuyas kumpara sa itinakdang SRP na 70 hanggang 120 kada kilo.
Samantala pasok naman sa SRP ang presyo ng mga ibinebentang galunggong at tilapia.
Babala naman ng DTI, maaaring matanggalan ng lisensya ang mga mapatutunayang umaabusong retailers.