Isa pang retiradong army general ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno bilang housing czar kapalit ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si dating NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Eduardo del Rosario bilang Chairman ng the Housing and Urban Development Coordinating Council, na isang cabinet post, noong July 12.
Si Del Rosario ay graduate ng Philippine Military Academy Class of 1980 at naging hepe ng AFP-Civil Relations Service at Commander ng 2nd Infantry Division.
Samantala, itinalaga naman si Atty. Raul Lambino, dating abogado ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority, dating Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes itinalaga bilang bagong associate justice ng Korte Suprema at Moro Islamic Liberation Front Political Affairs Chief Ghadzali Jaafar bilang Amirul Hajj o leader of Muslim pilgrims.
Hinirang din bilang bagong Dangerous Drugs Board Deputy Executive Director si Walter Besas, Metodio Turbella bilang Environment Department Director 4 at Eric Distor bilang Director 3 ng National Bureau of Investigation.
By Drew Nacino
Photo: Si Eduardo del Rosario (kanan) ay naging NDRRMC chief sa panahon ng pananalasa ng Typhoon Yolanda noong 2013.