Patay ang isang retiradong piskal matapos pagbabarilin sa sa Ozamiz City kanyang alas diyes imedya ng umaga.
Kinilala ito na si Atty. Geronimo Marabe Jr, na naging piskal din sa mga kaso ng ilang miyembro ng pamilya Parojinog
Ayon kay PNP Region 10 spokesperson Supt. Lemuel Gonda, apat na armadong lalaki ang bumaril kay Marabe habang nagmamaneho ng sasakyan nito.
Naisugod pa sa opsital ang biktima, pero idineklara ring dead on arrival.
Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng pamamaril.
Retiradong piskal na si Atty. Geronimo Marabe Jr., patay sa pamamaril sa Ozamiz City Misamis Occidental kaninang 10:30 a.m. @dwiz882 pic.twitter.com/F0mbrWFGqw
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 22, 2018