Patay ang isang retiradong pulis matapos umano manlaban sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).
Kinilala ang napatay na pulis na si Retired Corporal Tirso Lactaotao na sinasabing sangkot sa pagrerecycle ng ilegal na droga sa Rizal.
Ayon kay IMEG Spokesman Police Major Robert Reyes, nakipagbarilan si Lactaotao matapos masakote sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng IMEG, Regional Special Operations Group at NCRPO sa Barangay Nova Proper sa Quezon City.
Narekober naman dito ang isang 9-millimeter bereta pistol, basyo ng bala, iba’t ibang mga official ID, pitong sachet ng hinihinalang shabu, P2,000 buy bust money at dalawang cellphone. — ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)