Muli na namang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired AFP General Roy Cimatu bilang Special envoy to the Middle East.
Inihayag ito ng Pangulo sa pagharap niya sa mga sundalo ng 10th infantry division ng Phil ARMY SA Camp Gen Manuel T Yan sa Mawab Compostella Valley.
Si Cimatu ay naging special envoy na nuong Administrasyong Gloria Arroyo.
Nagtapos ang panunungkulan ni Cimatu taong 2011.
Si Cimatu ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1970 at nagsilbi bilang AFP chief of staff mula Mayo hanggang Setyembre taong 2002.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping