Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired army general Glorioso Miranda bilang miyembro ng BCDA o Bases Conversion and Development Authority.
Sa isinagawang change of command rites kahapon, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang malaki ang maitutulong ni Miranda para labanan ang kurapsyon sa nasabing ahensya.
Ang BCDA ang siyang nangangalaga sa mga base militar sa bansa tulad ng Clark Air Base sa Subic gayundin ang Fort Bonifacio sa Taguig.
Ayon pa sa Pangulo, nadiskubre niyang walang militar na miyembro ng BCDA board at nais din niyang pakinabangan ng mga sundalo ang lilikhaing kita ng mga nasabing base military.