Nagpahayag na rin ang nakakulong na si retired Army General Jovito Palparan ng interes nitong tumakbong senador sa 2016 elections.
Dahil dito, hiniling ni Palparan sa Bulacan Regional Trial Court na siya ay payagang makalabas ng kulungan upang kanyang ma-validate ang rehistro nito bilang botante.
Ipinaliwanag ni Palparan na may karapatan pa rin siyang tumakbo sa public office dahil sa hindi pa naman aniya siya nako-convict sa anumang krimen.
Kaugnay nito, binigyan naman ng korte ng 15 araw ang government prosecutors para magkomento sa petisyon ni Palparan.
Matatandaang akusado si palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng University of the Philippines students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
By: Ralph Obina