Nakakarekober na mula sa semi comatose si retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal matapos itong isugod sa ospital nuong Miyerkules.
Ipinabatid ni Dr Rene Josef Bullecer, isa sa mga duktor ni Vidal na nalampasan na ng kardinal ang pinaka kritikal na sitwasyon nito at ngayoy under close observation at monitoring sa Perpetual Succour Hospital sa Cebu City.
Sinabi ni Bullecer na isinugod sa ospital si Vidal dahil hirap itong huminga.
Hindi pa naisasapinal ng mga duktor ang nagbunsod ng anila’y semi vegetative state ng kardinal subalit lumalabas sa initial diagnosis na mayruon itong blood infection.
Ayon kay Bullecer walang problema sa puso ni Vidal at nagrerekober lamang ito mula sa impeksyon sa kaniyang dugo at nabigyan na ang kardinal ng mga kinakailangang anti biotics.