Dinukot ang isang retiradong opisyal ng Department of Education (DepEd) at apo nitong sa Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Senior Superintendent Bayani Gucela, 5 armadong lalaki ang pumasok sa tahanan ng biktimang si Isabel Miyargas saka dinukot ito at ang kanyang apong si Kyle Hamad, 5-taong gulang.
Isinakay ang mga biktima sa isang pump boat na nakaantabay lamang malapit sa lugar.
Patuloy ang ginagawang imbesigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo at maging ang pagkakakilanlan at loaksyon ng mga suspek.
By Rianne Briones