Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni retired General Eduardo Año bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ayon sa Malacañang, pinirmihan ni Pangulong Duterte noong Huwebes, Oktubre 26 ang appointment ni Año o kasabay ng pagreretiro nito.
Noon pa inihayag ng punong ehekutibo na kanyang ilalagay sa D.I.L.G. si Año bilang kalihim pero kailangan munang maghintay ng isang taon.
Ito’y dahil sa umiiral na one year ban para sa mga retiradong opisyal ng pamahalaan kung saan ipinagbabawal na magsilbi bilang pinaka-mataas na pinuno ng isang ahensya.
Sa ngayon ay si Ret. Gen. at DILG Undersecretary Catalino Cuy ang nagsisilbing O.I.C. sa naturang kagawaran.