Nabunyag na dati nang inimbistigahan ng NBI o National Bureau of Investigation si Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot dahil sa hindi maipaliwanag na yaman.
Ito, ayon kay dating Daanbantayan Mayor Augusto Corro ang dahilan kayat hindi na sila nasorpresa nang pangalanan si Loot bilang isa sa mga heneral ng Philippine National Police (PNP) na protektor di umano ng drug syndicates.
Sinabi ni Corro na napagtagni-tagni lamang nila ang lahat ng naririnig na kuwento hinggil sa koneksyon ni Loot sa illegal drugs nung pangalanan siya ng mismong Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, sinabi ng Pangulo na produkto ng narco politics si Loot matapos manalo ng 7 puntos na lamang kay Corro noong nakaraang eleksyon bilang alkalde ng Daanbantayan Cebu.
Bilang depensa, sinabi naman ni Loot na black propaganda lamang mula sa mga kalaban nya sa pulitika ang alegasyong protektor siya ng sindikato ng droga.
Bahagi ng pahayag ni former Daanbantayan Mayor Augusto Corro
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo from PNP Region VI Twitter account