Binasag na ni retired Pope Benedict XVI ang kanyang pananahimik mula nang magretiro noong 2013 at iginiit ang kahalagahan ng priestly celibacy sa Simbahang Katolika.
Sa pamamagitan ito ng sinulat n’yang libro na may pamagat na “from the depths of our hearts: priesthood, celibacy and the crisis of the catholic church” kung saan kasama n’yang sumulat si Cardinal Robert Sarah na isa sa mga tahimik na kritiko ni Pope Francis.
Nataon rin ang paglabas ng ilang bahagi ng libro sa panahong pinag-iisipan ni Pope Francis na payagang maging pari ang mga may asawa upang matugunan ang kakulangan ng pari sa Simbahang Katolika.
Posibleng ang timing ‘di umano ng paglabas ng libro ni Pope Benedict ay isang pagtatangka na impluwensyahan ang pag-iisip ni Pope Francis.
Inaasahan rin umanong mabubuhay ang mga usap-usapan kung tama ang desisyon ni Pope Benedict na manatiling Emeritus Pope sa halip na retired Bishop.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng dalawang Santo Papa isang retirado at isang kasalukuyang nanunungkulan.