Ibinunyag ni retired boxing referee Carlos Padilla ang ginawa niyang pandaraya sa laban ni dating senador Manny Pacquiao at nedal hussein ng Australia noong October 14, taong 2000.
Sa panayam ng World Boxing Council matapos iluklok sa Nevada boxing hall of fame, inamin ni Padilla na tinulungan niya si Pacquiao upang matalo si Hussein sa kanilang laban noon sa Ynares Center, Antipolo City.
Ito, anya, ay upang makarating sa World Boxing Championship ang pambansang kamao, na noong panahon na iyon ay hindi pa sikat at masyadong kilala.
Ayon kay Padilla, nanaig ang kanyang pagka-pilipino nang mga sandaling iyon at inilarawan din niya si Hussein bilang “dirty fighter”.
Sa ika-apat na round ay pinabagsak ni Hussein si Pacman pero agad tumayo habang sinadya umanong patagalin ni Padilla ang pagbibilang sa people’s champ upang maiwasang matalo.
Kalauna’y nanalo si Pacquiao sa laban sa pamamagitan ng “technical knockout” sa round 10.