Posibleng makasuhan ng perjury si retired SPO3 Arthur Lascañas matapos idiin si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y kinalaman niya sa Davao Death Squad.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Attorney Salvador Panelo, taliwas ang mga pahayag ni Lascañas kahapon ng umaga sa unang testimonyang sinumpaan niya nang humarap sa imbestigasyon ng Senado noong isang taon.
Ayon kay Panelo, bahagi ng tangkang sirain ang Pangulo sa isyu ng extrajudicial killings ang mga bagong pahayag ni Lascañas.
Bahala na, aniya, ang Department of Justice na idemanda si Lascañas ng perjury.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping