Sinampahan ng mga kasong murder at frustrated murder si Retired SPO3 Arturo Lascañas sa Davao City Regional Trial Court.
Kaugnay ito sa mga planong pananambang sa Davao broadcaster na si Juan Porras o Jun Pala noong Hunyo 2002, Abril 2003 at ang matagumpay na pagpatay sa kaniya noong September 6, 2003.
Magugunitang inamin mismo ni Lascañas sa mga pagdinig ng senado ang pagpatay kay Pala makaraang ibunyag nito ang kaniyang partisipasyon sa vigilante group na DDS o Davao Death Squad.
Isinailaim din sa imbestigasyon ng NBI o National Bureau of Investigation si Lascañas matapos ang naging pag-amin nito at ang pag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing grupo.
Lumabas at nagtungo si Lascañas sa Singapore noong Abril 8 ng taong kasalukuyan dahil sa mga banta umano sa kaniyang buhay.
By Jaymark Dagala