Humingi ng paumanhin si Retired SPO3 Arturo Lascañas sa mga Senador dahil sa pagbabago ng kaniyang mga pahayag hinggil sa mga nangyaring pagpatay sa ilalim ng DDS o Davao Death Squad
Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ginisa ng mga Senador si Lascañas na mas naging mapanuri kumpara sa una niyang pagharap
Giit ni Lascañas, takot sa diyos at sa ngalan ng katotohanan ang nagtulak sa kaniya para muling lumantad ang linisin ang kaniyang pangalan
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni Lascanas sa Senate hearing
Ngunit ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Komite, malabong mapanagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga paratang ni Lascañas hangga’t hindi ito sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni Sen. Lacson sa Senate hearing
Giit ni Lacson, mayruon nang umiiral na jurisprudence ang Korte Suprema hinggil sa mga extra-judicial confessions na kahalintulad ng ginawa ni Lascañas
Pakingan: Bahagi ng mga pahayag ni Sen. Lacson sa Senate hearing
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno