Nakaranas umano ng Divine Encounter si retired SPO3 Arthur Lascañas at ito, aniya, ang nagtulak sa kanya na ilantad sa publiko ang mga pagpatay ng DDS o Davao Death Squad na umano’y utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Congressman Gary alejano, bago ang pagbubunyag ni Lascañas, nalagay sa panganib ang kanyang buhay at kinailangang sumailalim sa isang kidney operation.
Noong nasa ospital daw si Lascañas, nakita umano niya ang diyablo at ang batang pinatay noon ng DDS.
Sinabi ni Alejano na ang pangitaing iyon ang nagpabago ng isip ni Lascañas kaya lumapit siya kay Senador Antonio Trillanes upang ilahad ang DDS ni Pangulong Duterte.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc