Pinakakasuhan ni Senador Sherwin Gatchalian ng Perjury sa DOJ si retired SPO3 Arthur Lascañas matapos bawiin ang naunang testimonya nito sa isang pagdinig ng Senado.
Sinabi ni Gatchalian na dapat pagbayaran ni Lascañas ang hindi nito pag respeto sa Senado bilang institusyon.
Una nang Itinanggi ni Lascañas ang pagbubunyag ni Edgar Matobato hinggil sa DDS o Davao Death Squad na ngayo’y kinukumpirma niyang ang nasa likod ay ang Pangulong Rodrigo Duterte na anito’y nagbabayad sa kanila ng hanggang isandaang libong Piso kapag napapatay ang target.
Ayon pa kay Gatchalian maniniwala lamang siya kay Lascañas kung maglalabas ito ng konkretong ebidensya sa pag uugnay nito sa Pangulo sa extra judicial killings.
By: Judith Larino