Pumanaw na si Retired Supreme Court Associate Justice Justo Torres Jr. sa edad na 90.
Hindi naman na tinukoy ng Supreme Court Public Information Office ang dahilan ng pagkamatay ni Torres.
Nanungkulan si Torres sa Korte sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong March 1996 at nagretiro noong November 1997 sa edad na Sitenta.
Nagsilbi rin bilang Associate Justice ng Court of Appeals si Torres bago ito naitalaga sa Supreme Court.